Narito kayo sa pahina ng pagrereport ng di-kanais-nais na pangyayari.

Maaari ninyong gamitin ang form na ito para ireport ang isang di-kanais-nais na pangyayari na naranasan ninyo habang gumagamit ng isang produkto ng AstraZeneca.

Legal na obligasyon namin na kumolekta ng mga report ng di-kanais-nais na pangyayari at, kung naaangkop, ay magreport ng mga ito sa mga awtoridad na pangkalusugan. Para sa layuning ito, ang inyong personal na datos na maaaring gamitin para sa pagkakakilanlan, ay idadagdag bilang isang di-tunay na pangalan (pseudonym) sang-ayon sa mga legal na pangangailangan kapag ipinasok sa aming database ng mga di-kanais-nais na pangyayari.

Kung kayo ay nakaranas ng isang di-kanais-nais na pangyayari o sa palagay ninyo ay maaaring nakararanas kayo ng isang di-kanais-nais na pangyayari, dapat kayong humingi ng payo mula sa isang propesyunal na tagapangalaga ng kalusugan.

Ang isang di-kanais-nais na pangyayari ay ang pagkakaroon ng isang hindi gustong medikal na kundisyon o ang pagsama ng isang dati nang medikal na kundisyon kasunod ng pagkalantad, o habang nalalantad, sa isang produktong gamot, itinuturing man na ang sanhi ay may kinalaman o walang kinalaman sa produkto. Ang isang hindi gustong medikal na kundisyon ay maaaring mga sintomas (halimbawa, pagduduwal, pananakit ng dibdib), mga senyales (halimbawa, tachycardia, lumaking atay) o ang abnormal na mga resulta ng isang imbestigasyon (halimbawa, mga natutuklasan sa laboratoryo, electrocardiogram).

Ang AstraZeneca ay kumokolekta rin ng mga report sa sumusunod na mga sitwasyon, kahit na ang pasyente ay hindi nakararanas ng anumang di-kanais-nais na mga epekto bilang resulta:

  • pagbubuntis
  • overdose
  • mga pagkakamali sa paggamit ng gamot
  • posibleng magkasalungat na mga epekto ng gamot (drug interactions)
  • pag-abuso at/o maling paggamit ng gamot
  • paggamit na di-sang-ayon sa etiketa (off-label use)
  • kawalan ng epekto
  • pagkalantad dahil sa trabaho (occupational exposure)